Pag-iimbestiga sa pagkakapatay ng pulis-Valenzuela sa binatang may PWD, pinamamadali

Ang magkaibang pahayag ng pulis at ng mga magulang ng 18-anyos na person with disability (PWD) sa Valenzuela City ang dapat tutukan sa pag-iimbestiga sa kaso.

Ito ang sinabi ni Sen. Leila de Lima kasabay ng panawagan niya sa mas malalim ng pag-iimbestiga sa pagpatay sa 18-anyos na si Edwin Armigo sa isang operasyon laban sa isang tupada noong nakaraang araw ng Linggo.

Diin ni de Lima, napakahalaga na mabigyan linaw ang pangyayari dahil sa paulit-ulit na lang ang katuwiran ng pulis na ‘nanlaban’ ang napatay.

Base sa ulat ng pulisya, tinangka ni Arnigo na agawin ang baril ng pulis at sa pag-aagawan ay nabaril siya.

Ngunit ayon sa pamilya ng biktima, may mga testigo na sila na pinabubulaanan ang depensa ng mga pulis.

Ipinaalala pa ng senadora ang isang retired Army veteran na may post-traumatic stress disorder (PTSD) na napatay naman ng pulis-Quezon City.

“The PNP should observe proper operational procedures to ensure that they are the ones protecting, instead of killing the people, and fulfill their obligation with respect to human rights,” dagdag pa nito.

Read more...