Palasyo, walang kinalaman sa Duterte Pa Rin Movement – Roque

Photo grab from PCOO Facebook video

Walang kinalaman ang Palasyo ng Malakanyang sa inilunsad na Duterte Pa Rin Movement na naghihikayat kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbong pangulo ng bansa sa May 2022 presidential elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nirerespeto naman ng Palasyo ang paninindigan ng publiko na dapat na maging susunod na pangulo ng bansa si Mayor Sara.

Pero paglilinaw ni Roque, walang kinalaman ang Palasyo sa naturang hakbang.

Nabatid na mga dating opisyal ng Presidential Communications Operations Office ang nasa likod ng Duterte Pa Rin Movement.

Ayon kay Roque, bilang mga dating opisyal ng PCOO, nangangahulugan ito na sila ay mga pribadong indibidwal na dapat na igalang.

“Unang-una po, dating opisyales po iyan ng PCOO, ibig sabihin, pribadong indibidwal na po siya. Wala pong kinalaman diyan ang Malacañang bagamat nirirespeto namin iyong paninindigan ng marami nating kababayan na dapat na maging susunod na Presidente si Mayor Sara Duterte,” pahayag ni Roque.

Read more...