BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa, lagpas 1.18-M na; Halos 4,000 ang nadagdag

Halos 4,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (May 25), pumalo na sa 1,188,672 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 48,201 o 4.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,972 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

92.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.1 porsyento ang asymptomatic; 1.42 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 36 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 20,019 o 1.68 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,659 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,120,452 o 94.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...