Mga produktong tsokolate, tampok sa “Kalakal Quezon” ng DTI

Tampok sa “Kalakal Quezon” ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga bagong produktong tsokolate ng lalawigan.

Matatandaang noong Nobyembre ay binuksan ng Department of Agriculture (DA) ang cacao facility sa Gumaca, Quezon.

Dito’y ipinakilala ang Tangerine o ang dark chocolate na gawa sa cacao ng mga magsasaka.

Pinangunahan ni Quezon Rep. Angelina Helen Tan ang pagpapaunlad ng cacao farming sa kanilang probinsya kaya naman nabansagan rin siyang “Chocolate Queen of Quezon.”

Nagsimula ito sa siyam na bayan kabilang ang Atimonan, Plaridel, Lopez, Gumaca, Perez, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan, at Quezon.

Ang Kalakal Quezon ay taunang event ng DTI para i-promote ang mga produkto ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pagtatampok ng mga produkto ng lalawigan sa ilalim ng temang “Support Lokal, Shop at Kalakal”.

Read more...