India nakapagtala ng 196,427 na daily COVID-19 cases, pinakamababa simula April 14

Reuters photo

Nakapagtala sa India ng 196,427 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Ito ang pinakamababang naitalang kaso ng nakamamatay na sakit simula noong April 14.

Dahil dito, base sa datos ng health ministry, sumampa na sa 26.95 milyon ang naitalang kumpirmadong COVID-19 cases sa nasabing bansa.

Samantala, nasa 3,511 katao naman ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Dahil dito, umakyat na sa 307,231 ang COVID-19 related deaths sa India.

Read more...