Paglalagay ng bagong signal lights sa mga istasyon ng MRT-3, kumpleto na

DOTr MRT-3 photo

Nakumpleto na ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 ang paglalagay ng bagong signal lights sa lahat ng istasyon.

Bahagi pa rin ito ng malawakang rehabilitasyon ng nasabing linya ng tren.

Nasa kabuuang 71 ang naikabit na signal lights na LED-enabled sa MRT-3.

Magagamit ito para magbigay ng hudyat sa train drivers kung pahihintuin o paaandarin na ang mga tren.

Katuwang ng MRT-3 sa malawakang rehabilitasyon ang maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.

Read more...