Hindi tuloy ang regular na ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martes ng gabi, Mayo 25 .
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa halip na Martes ng gabi, gagawin na lamang ang public address ni Pangulong Duterte sa Miyerkules, Mayo 26.
Paliwanag ni Roque, puno kasi ang schedule ni Pangulong Duterte.
Karaniwang isinasagawa ng Pangulo ang public address tuwing araw ng Lunes. Pero sa abiso ng Malakanyang, isasagawa ang public address sa Martes pero naurong muli.
Ayon kay Roque, noong Lunes lamang dumalo ang Pangulo sa Regional Peace Council meeting sa Dumaguete.
Napuyat aniya ang mga tao ng Pangulo lalo na ang mga taga-Office of the President dahil 1:00 ng madaling araw nang nakabalik sa Maynila.
Huling nagsagawa ng public address ang Pangulo noong Mayo 17 kasama si dating Senate President Juan Ponce Enrile kung saan tinalakay ang usapin sa West Philippine Sea.