Tatlong developers ng COVID-19 vaccines, nag-apply ng clinical trials sa bansa

Tatlo pang developers ng COVID-19 vaccines ang nag-apply ng clinical trials sa bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Department of Science and Technology Undersecretary Rowena Cristina Guevara na ito ay ang West China Hospital and Sichuan University, Shenzhen Kangtai Biological Products Co., at Eubiologics Co. Ltd.

Sa ngayon, sinabi ni Guevara na natanggap na ng Task Group on Vaccine Evaluation and Selection ang clinical trial applications ng tatlo.

Sa ngayon, inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang tatlong COVID-19 vaccine clinical trials sa bansa.

Ito ay ang Janssen and Clover Biopharmaceuticals at Sinovac Biotech.

 

 

Read more...