Manila Water, Maynilad magpapatupad ng water service interruption

Magpapatupad ng water service interruption ang Manila Water sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon sa abiso ng Manila Waters, magsisimula ang water interruption ngayong araw, Mayo 25 hanggang 27 ng 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga dahil sa maintenance work.

Kabilang sa mga maapektuhan ang mga residente sa Rizal, Quezon City, Pasig City at Makati City.

Samantala, magkakaroon din ng water service interruption ang Maynilad Water Services, Inc. sa Parañaque City, Caloocan City, Malabon City at Quezon City sa Mayo 25 hanggang 26.

Partikular na maapektuhan ng interruption ang bahagi ng Barangays BF Homes, BF International/CAA at San Isidro sa Parañaque City.

Mararanasan ang low pressure hanggang sa walang suplay ng tubig mula 12:00 ng tanghali ngayong araw hanggang 1:00 ng madaling araw ng Mayo 26.

Ayon sa Maynilad, mataas kasi ang demand sa Bagbag Reservoir.

 

Read more...