Dinisarmahan aniya ang pulis na may ranggong Police Senior Master Sergeant at inilagay sa restrictive custody bilang bahagi ng isasagawang investigative procedure.
Rumesponde ang lokal na pulis nang makatanggap ng reklamo ukol sa tupada noong Linggo ng tanghali at dito naaresto ang tatlo katao at nakumpiska ang ilang kagamitan kabilang ang panabong na manok at P1,340 pantaya.
Habang isinasagawa ang operasyon, bigla umanong inagaw ng isa sa tatlong nahuli na si Edwin Cabantugan Arnigo ang baril ng isa sa mga pulis.
Nauwi ito sa kaguluhan at nabaril ng pulis si Arnigo na nagresulta sa pagkasawi nito.
Kasunod nito, sinabi ni Eleazar na ipinag-utos na niya sa Internal Affairs Service ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang malaman kung nagkaroon ng pagkukulang ang pulisya sa operasyon.
Nais aniya niyang matapos sa lalong madaling panahon ang imbestigasyon sa insidente.
“Meanwhile, I ask all persons who witnessed the incident to help us shed light on what happened so that we can quickly and impartially resolve this case,” pahayag pa ni Eleazar.