BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 48,917; Halos 5,000 ang nadagdag

Halos 5,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (May 24), pumalo na sa 1,184,706 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 48,917 o 4.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,973 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

92.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.0 porsyento ang asymptomatic; 1.40 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 39 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 19,983 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,666 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,115,806 o 94.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...