Magnitude 5.5 na lindol yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Davao Occidental, umaga ng linggo.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol dakong 10:02 ng umaga.

Ang episentro ng lindol ay naitala sa 235km Timog-Silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

May lalim ito na 113 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang instrumental intensity 1 ng lindol sa Kiamba, Sarangani.

Read more...