Mga nasawi, nawawala sa limang buwang giyera sa Marawi City noong 2017, inalala

PHOTO: Divina Suson, Inquirer Mindanao

Isang programa bilang pag-alala sa mga nasawi at nawawala sa limang buwang Marawi siege apat na taon na ang nakararaan ang isinagawa sa Maqbara Cemetery sa Marawi City ngayong araw.

Sa nasabing programa, nagtipon-tipon ang nasa sampung mga civil society leaders para alalahanin ang mga nasawi sa limang buwang giyera, apat na taon na ang nakakaraan.

Mahigit 300 hindi pa nakilalang mga indibidwal ang inilibing sa nasabing sementeryo na nakuha sa main battle area.

Pinalitan din ang mga palatandaang kawayan na may nakalagay lamang na code ng kongretong markers.

Dumalo rin dito ang nasa 20 pamilya na mga nawawalang sibilyan kasabay ang paghahayag ng kanilang sentemyento dahil sa mabagal na pagproseso upang makilala ang mga nasawi.

Lumahok din sila sa solidarity prayer.

Sa limang buwang giyera sa Marawi City noong 2017, 168 sundalo, 900 miyembro ng Islamic State-linked militants at maraming sibilyan ang nasawi.

Nawasak din ang main commercial district ng lungsod.

 

Read more...