Nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at pamunuan ng MIAA o Manila International Airport Authority (MIAA) para sa pagpapaigting ng seguridad sa airport.
Ayon kay PNP Chief Dir.Gen. Ricardo Marquez, itoy ay sa pamamagitan ng nilagdaan Memorandum of Agreement na nilagdaan ngayong araw.
Paliwanag ni Marquez, saklaw ng kasunduan na mabilhan ng kailangang mga equipment ang PNP Aviation Security Group (AvSeGroup) para higit pang mapalakas ang kapabilidad ng mga pulis sa pagbabantay at pagtupad ng kanilang tungkulin sa mga paliparan.
Ayon pa kay Marquez nakikipag ugnayan na sa MIAA si PNP AvSeGroup Dir C/Supt. Francisco Pablo Balagtas para pag-usapan kung ano anong gamit ang kailangan nilang bilhin.
Nauna nang nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang PNP sa paliparan makaraan ang ilang terror attack na naganap sa ilang mga bansa sa Europa.