Kasunod ng malalakas na lindol sa Japan at Ecuador, iginiit ni senatorial candidate Francis Tolentino ang panukala niyang magkaroon ng batas para magsagawa ng regular na earthquake drill.
Katulad ito ng Metro Manila Shakedrilll noong 2015 na inilunsad ng Metro Manila Development Authority o MMDA, na pinangunahan ni Tolentino.
Sinabi ni Tolentino mahalaga ang pagsasagawa ng regular na earthquake drill, kahit pa dalawang beses kada taon, para malaman ang mga dapat gawin at hindi mag-panic kapag magkaroon ng malakas na lindol.
Ang drill ay magiging bahagi ng oras ng trabaho o pasok sa eskwela at ma-oobliga ang lahat na makiisa.
Mahigit 6 na milyong indibidwal at grupo ang nakilahok noon sa Metro Manila shakedrill.
Umabot ng P2 bilyon ang impressions nito sa social media.
Ayon kay Tolentino, base sa Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study sakaling magkaroon ng magnitude 7.2 na lindol, possibleng umabot sa 35,000 ang mamatay at mahigit 100,000 ang sugatan.
Kaya giit ni Tolentino mahalagang maging handa ang lahat, at hindi lamang iasa sa Phivolcs, MMDA o sa iba pang ahensya ng gobyerno ang issue ng disaster preparedness.