Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental, Sabado ng umaga.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 159 kilometers Southeast ng Don Marcelino.

Tumama ang pagyanig dakong 7:56 ng umaga.

May lalim itong 48 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang pinsala sa Don Marcelino at mga karatig-bayan.

Ngunit ayon sa Phivolcs, posibleng makaranas ng aftershocks.

Read more...