Sa datos ng PAGASA, umabot sa 49 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan (2:00 ng hapon).
Naitala naman ng 48 degrees Celsius na heat index sa Sangley Point, Cavite habang 47 degrees Celsius naman sa Ambulong, Batangas bandang 2:00 ng hapon.
45 degrees Celsius naman ang heat index sa Clark Airport, Pampanga dakong 2:00 ng hapon.
Nasa 43 degrees Celsius naman ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Laoag City, Ilocos Norte (2:00 ng hapon)
– NAIA, Pasay City (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)
Samantala, 42 degrees Celsius naman ang naitala sa Aparri, Cagayan dakong 11:00 ng umaga.
Naitala ang 41 degrees Celsius na heat index sa:
– CLSU Munoz, Nueva Ecija (11:00 ng umaga)
– Davao City, Davao del Sur (3:00 ng hapon)
– Dipolog, Zamboanga del Norte (2:00 ng hapon)
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.