100 pamilya naapektuhan ng sunog sa Maynila

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sa lansangan nagpalipas ng gabi ang mga pamilyang naapektuhan ng malaking sunog na naganap sa Sta. Cruz Maynila kahapon.

Gamit ang mga karton, banig at iba pang maaring ipansapin, sa Aurora Boulevard muna natulog ang mga nawalan ng bahay dahil sa sunog.

Bunsod ng maraming pamilyang naapektuhan, isinara ang bahagi ng Aurora Boulevard kanto ng Rizal Avenue Extension.

Doon kasi pansamantalang namalagi ang mga apektado ng sunog na ang iba ay nagtayo pa ng tent.

Nasa isang daang pamilya ang naapektuhan ng sunog na umabot sa task force alpha.

Tinatayang 50 bahaya ng nasunog at aabot sa P3 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau Of Fire Protection Manila, sinadya umano ang sunog.

Isang Rafraf Rodae ang hinihinalang nagpasimula ng apoy na lango umano sa droga kahapon kaya sinilaban ang kanilang bahay na mabilis na kumalat sa iba pang kalapit na tirahan.

 

Read more...