DOH, gumastos ng P400-M para sa mahigit 3,000 vaccinators

Gumastos ang Department of Health (DOH) ng P400 milyon para sa pag-hire ng humigit-kumulang 3,000 vaccinators.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magtatapos na ang kontrata ng nasabing 3,000 vaccinators sa buwan ng Hunyo.

Gayunman, tiniyak ni Vergeire na siniguro ng kagawaran ang pondo para sa pag-rehire sa vaccinators oras na matapos ang kanilang kontrata.

Maliban dito, sinabi ng opisyal na nakikipag-ugnayan ng DOH sa pribadong sektor na nag-alok na makatulong ang kanilang healthcare workers para sa COVID-19 vaccination program.

Makatutulong aniya ito para mapalakas pa ang pagbabakuna sa bansa.

Sa ngayon, mayroon nang natanggap ang Pilipinas na mahigit 7.7 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19.

7.6 milyon o 99 porsyento sa nasabing bilang ang naipadala na sa 3,850 vaccination sites sa buong bansa.

Read more...