Mga nasa BPO sector, tauhan ng Comelec, kabilang na sa A4 priority list ng COVID-19 vaccination

WHO Philippines photo

Isinama na ng Inter-Agency Task Force sa A4 priority list na babakunahan kontra COVID-19 ang mga nasa business process outsourcing (BPO) sector at ang mga tauhan ng Commission on Elections (Comelec) na magsisilbing frontline employees para sa nalalapit na May 2022 Presidential elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay base na rin sa hirit ng ilang sektor na gawing prayoridad sa pagbabakuna ang mga nasa BPO at mga taga-Comelec.

Kasabay nito, isinama naman sa A4.2 priority list ang nagtatrabaho sa liquefied petroleum gas (LPG) dealers, retailers, at attendants.

“On the other hand, liquefied petroleum gas dealers, retailers and attendants now form part of the approved Priority Group A4.2 for vaccine deployment under the “retail trade operators and frontliners,” pahayag ni Roque.

Read more...