Pelikulang “Maratabat” ni Arlyn Dela Cruz, pasok sa People’s Film Festival sa New York

Pasok sMaratabata festival screening ng People’s Film Festival sa New York ang pelikulang “Maratabat” ng batikang mamamahayag na si Arlyn Dela Cruz.

Ayon sa “The People’s Film Festival” (TPFF) napili nila ang pelikulang Maratabat (Pride and Honor) para mapasama sa screening sa New York.

Sa June 4, 2016, Sabado, mapapanood ang nasabing pelikula sa Julia De Burgos Performing Arts Center, New York, mula alas 10:30 ng umaga.

Sa abiso ng coordinator ng TPFF, ang iba pang pelikula na napili para sa screening ay ilalabas nila sa kanilang website.

Ayon kay Dela Cruz na siyang director ng “Maratabat” ito ang kauna-unahang ‘festival screening’ ng nasabing pelikula sa labas ng bansa.

Bida sa pelikula ng “Maratabat” sina Julio Diaz, Ping Medina, Kristoffer King, Chanel La Torre, Richard Quan, Carlo Cruz, at Elizabeth Oropesa.

 

Read more...