Personal na nagtungo sa anti-graft court ang senador para humarap sa arraignment.
Not guilty plea naman ang inihain ni Ejercito para sa nasabing kaso.
Matatandaan na noon lamang nakaraang linggo ay naglagak si Ejercito ng P30,000 piyansa matapos na ipag-utos ng korte ang pagdakip sa kaniya.
Bukod kay Ejercito, ipina-aaresto rin ng Sandiganbayan 5th Division ang lima pang dating opisyal ng lungsod ng San Juan na sina dating City Administrator Ranulfo Dacalos, treasurer Rosalinda Marasigan, City Attorney Romualdo Delos Santos, City Budget Officer Lorenza Ching at City Engineer Danilo Mercado.
Nag-ugat ang kaso sa pagbili ng lokal na pamahalaan ng San Juan ng high-powered firearms sa kabila ng kawalan ng public bidding noong 2008 kung saan si Ejercito pa ang alkalde.
Sa calamity fund din umano hinugot ang perang ginamit para ipambili ng mga armas.