122 bagong COVID-19 cases, naitala sa hanay ng PNP

Nasa 122 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (May 21), 22,437 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,389 ang aktibo pang kaso.

109 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 20,986 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala muling napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 62 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...