Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 165.86 milyon

Pumalo na sa 165.86 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 165,860,973 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 33,833,181 cases.

Sumunod na rito ang India na may 26,031,991 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 15,898,558 naman ang kaso sa Brazil habang 5,568,551 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,160,423
– Russia – 4,974,908
– United Kingdom – 4,455,221
– Italy – 4,178,261
– Germany – 3,638,504
– Spain –  3,631,661
– Argentina – 3,447,044
– Colombia – 3,177,212
– Poland – 2,861,351
– Iran – 2,804,632
– Mexico – 2,390,140
– Ukraine – 2,170,398

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,444,989 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 146,565,234 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...