Bayanihan 3 lusot na sa committee level sa Kamara

Nakalusot na sa House committee on appropriations ang Bayanihan 3 o ang panukalang batas na maglalaan ng P405 bilyon para ipag-ayuda sa mga Filipino na nagsusumikap na maka-recover sa pandemya sa COVID-19.

Si Albay Congressman Joey Salceda na chairman ng komite ang humirit na aprubahan ang lifeline package na agad namang sinang-ayunan ng mga miyembro nito.

Nabatid na ang Bayanihan 3 ang isa sa mga prayoridad na panukalang batas sa Kamara bago mag-adjourn ang sesyon sa Hunyo 5.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ang bawat Filipino ng P1,000 na yuda kahit na ano pa ang katayuan sa buhay.

 

Read more...