30 percent capacity sa religious gatherings aprubado na ng IATF

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force nag awing 30 percent ang seating capacity sa mga religious gatherings sa mga lugar na nasa National Capital Region Plus.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, iiral ang bagong kautusan sa mga mga lugar na nasa general community quarantine with heightened restrictions gaya ng NCR Plus.

Magiging epektibo aniya ang bagong kautusan simula sa Mayo 31.

Umiiral ngayon ang GCQ sa NCR Plus hanggang sa katapusan ng Mayo.

Matatandaan na noong Miyerkules, dumagsa ang mga nagsisimba sa Baclaran Church.

 

 

Read more...