Naniniwala si Senator Joel Villanueva na hindi rin magiging epektibo ang hindi na pag-aanunsiyo ng bakuna na ituturok kung kapos ang impormasyon ang mamamayan.
Sinabi ni Villanueva ang mas malaking problema ngayon ay ang pangamba at pagdududa pa rin sa mga bakuna at hindi sa pamimili ng mga tao sa gusto nilang iturok sa kanila.
Kasabay nito ang kanyang suhestiyon na pagsamahin sina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo sa isang public service announcement na hihikayat sa mamamayan na magpabakuna dahil ligtas at epektibo ang mga bakuna.
“Ito po ang tambalang nakikita nating mabisa na pangontra sa mga fake news. Both are vaccine recipients, and are living proof that vaccines do no harm,” giit ni Villanueva.
Si Pangulong Duterte ay naturukan na ng Sinopharm dose, samantalang AstraZeneca jab naman ang tinanggap ni Robredo.