Sen. Bong Go umapila na sa mga kapwa senador na palusutin ang local hospital bills

Nakiusap na si Senator Christopher ” Bong” Go sa mga kapwa senador na aprubahan na ang mga nakabinbing local hospital bills dahil kailangan na kailangan ito ngayon panahon ng pandemya.

 

Aniya layon ng mga panukala na mapagbuti ang pagbibigay serbisyo sa mamamayan.

 

Sa nakalipas na huling dalawang sesyon ng Senado, 15 local hospital bills ang inilatag ng senador sa plenaryo kabilang na ang pagpapadami ng bed capacity ng ilang lokal na ospital sa bansa.

 

Sa pagdepensa niya sa mga panukala, sinabi ni Go na nakita niya ang kondisyon ng maraming ospital at aniya kailangan na kailangan ng mga Filipino ang de-kalidad na serbisyo medical.

 

“In this crucial time, we need these facilities, we need these upgrades. The local government units are asking for assistance because they cannot take on these burdens. Paikut-ikot lang po ang usapan dito, Mr. President. Alam naman ng Pilipino ‘yan, paikut-ikot lang tayo dito. Sinasadya natin patagalin. Ibang usapan po ito ngayon,” giit niya.

 

Dagdag pa niya, kung magagawa naman ng pambansang gobyerno, hindi na dapat iasa pa sa mga lokal na pamahalaan ang pagsasaayos ng mga lokal na pampublikong ospital.

 

Pagdidiin ni Go, ang hinihingi niya ay ang pangmatagalan ng solusyon dahil limitado na rin ang pondo ng LGUs.

Read more...