Brand ng bakuna kontra COVID-19 malalaman pa rin ng mga taga-Maynila

Manila PIO photo

Papayagan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng lungsod na magtanong para malaman kung anong brand ng bakuna kontra COVID-19 ang ituturok sa kanila.

Pahayag ito ni Mayor Isko sa gitna ng polisiya ng national government na magpatupad ng brand agnostic o hindi na pag-aanunsyo kung anong brand ng bakuna ang gagamitin sa mga vaccination sites.

Ayon kay Mayor Isko, tatalima naman ang Maynila saa patakaran ng national government.

Hindi aniya gagawinang malawakang pag-aanunsyo ng brand ng bakuna.

Pero hindi niya ipagkakait sa taong bayan na malaman kung ano ang brand ng bakuna dahil Karapatan nila ito na malaman.

Ayon kay Mayor Isko, hahayaan din niya ang mga taga-Maynila na mamili ng brand ng bakuna.

Pero pagtitiyak ni Mayor Isko hindi dapat na malabag ang mga polisiya ng pamahalaan.

Halimbawa ayon kay Mayor Isko, kapag may dumating na indibidwal sa vaccination center at hindi nagustuhan ang bakuna, maari itong umalis at lumipat sa ibang vaccination center.

Pero aminado si Mayor Isko na malaking abala ito dahil panibagong pila na naman ang susuungin ng isang indibidwal.

 

Read more...