Bahagi ng Central Luzon at Calabarzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 9:01 ng gabi, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Batangas, Laguna at Rizal.

Maaapektuhan din ang Morong, Bagac, at Mariveles sa Bataan; Mayantoc, San Jose, Capas, Bamban at Concepcion sa Tarlac.

Uulanin din ang Mauban, Sariaya, Agdangan, Sampaloc, Lucban at Tayabas, Quezon; at maging sa Zambales.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...