Ilang kalsada sa Metro Manila, isasailalim sa road reblocking

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking and repair sa weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gagawin ang pagsasaayos simula 11:00, Biyernes ng gabi, May 21.

Tatagal ito hanggang May 24.

Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA malapit sa corner Kaingin Road Quezon City

SOUTHBOUND:
2. EDSA hanggang A. Bonifacio Avenue (unang lane mula sa sidewalk)

C-5 ROAD:
3. Pagkatapos mh Rajah Matanda (Ikalawang lane mula sa sidewalk) pagkatapos nv M.G Dizon (Cliff Drive) Street (Ikalawang lane mula sa sidewalk)

4. Bago ang Magsaysay Avenue (Ikalawang lane mula sa sidewalk)

Maaari nang daanan ng mga motorista ang mga nabanggit na kalsada simula 5:00, Lunes ng madaling-araw, May 24.

Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing kalsada at dumaan sa alternatibong ruta.

Read more...