Nakumpiska ang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang high-value target sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Ayon sa PDEA RO7, isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Zone 2, Barangay Lo-oc bandang 2:45 ng hapon.
Naaresto ang high-value target na si Evelyn Jimenez, 63-anyos at may-ari ng isang sari-sari store.
Nagawa namang makatakas ng isa pang suspek na si Jovic Calibo.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 26, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES