Ilang lugar sa bansa ang muling nakapagtala ng mataas na heat index sa araw ng Huwebes, May 20.
Sa datos ng PAGASA, umabot muli sa 47 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan (2:00 ng hapon).
Naitala naman ng 46 degrees Celsius na heat index sa Sangley Point, Cavite bandang 2:00 ng hapon.
44 degrees Celsius naman ang heat index sa Clark Airport, Pampanga dakong 2:00 ng hapon.
Nasa 43 degrees Celsius naman ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Ambulong, Batangas (2:00 ng hapon)
– Aparri, Cagayan (2:00 ng hapon)
– Iba, Zambales (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)
Samantala, 42 degrees Celsius naman ang naitala sa mga sumusunod:
– Casiguran, Aurora (2:00 ng hapon)
– Laoag City, Ilocos Norte (2:00 ng hapon)
– Masbate City, Masbate (1:00 ng hapon)
– NAIA Pasay City (2:00 ng hapon)
– Science Garden Quezon City (1:00 ng hapon)
– Sinait, Ilocos Sur (2:00 ng hapon)
Naitala ang 41 degrees Celsius na heat index sa:
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (11:00 ng umaga)
– Davao City, Davao del Sur (2:00 ng hapon)
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.