Kalat-kalat na pag-ulan, maaring maranasan sa malaking bahagi ng bansa

Nakakaapekto pa rin ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ at Easterlies sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, magdadala pa rin ang ITCZ ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa buong bahagi MIMAROPA, Visayas at Mindanao.

Mataas din ang tsansa na makaranas ng isolated rainshowers ang Metro Manila at nalalabing parte ng Luzon hanggang Huwebes ng gabi.

Ngunit sa araw ng Biyernes, May 21, asahan pa rin ang mainit at maalinsangan na panahon.

Wala namang binabantayang low pressure area o bagyo na maaring makaapekto sa teritoryo ng bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...