Sinimulan na ng Philippine Embassy sa Israel ang paghahanda para sa paglikas ng mga Filipino na nais nang makabalik sa Pilipinas.
Kasabay ito nang paglalagay ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 2 ang sitwasyon dahil sa lumalala pa ring awayan sa pagitan ng Israelis at Hamas militants.
Base sa inilabas na situation bulletin ng DFA, inilagay na ang kategorya ng sitwasyon sa Gaza sa ‘restriction phase’ at inabisuhan na ang mga Filipino na iwasan ang pagbiyahe at maghanda na para sa paglikas.
Base sa datos na inilabas ng kagawaran, may 91 Filipinos sa Gaza, samantalang 29,473 naman sa Israel.
Nabatid na maging ang mga embahada ng Pilipinas sa mga kalapit na bansa ay nakatutok na rin sa sitwasyon at nagpahayag ng kahandaan na tumulong sa mga maaapektuhang Filipino.
Wala pa naman napapaulat na Filipino na napabilang sa 240 namatay sa digmaan na sumiklab noon lamang Mayo 10.