BREAKING: Aktibong COVID-19 cases sa Pilipinas, higit 51,000; 6,100 ang nadagdag

Mahigit 6,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (May 20), pumalo na sa 1,165,155 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 51,912 o 4.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,100 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.1 porsyento ang asymptomatic; 1.31 porsyento ang moderate; 2.0 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 136 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 19,641 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,071 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,093,602 o 93.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...