Paniwala ni Angara na hindi maibabalik ang dating normal na pamumuhay at hindi mangyayari ang tinawag na ‘herd immunity’ kung hindi mababakunahan din ang mga kabataan.
“In so far as expanding the administration of vaccines to other age groups, we should always be ahead of the curve. Greenlighting certain vaccines for school-age children will address the need of the largest population group to be protected from the coronavirus,” sabi ng senador.
Suhestiyon nito, magsimula sa pagpayag ng FDA na magamit ang partikular na bakuna sa partikular na mga edad basta istriktong masusunod ang safety protocols.
Banggit ni Angara, maaring sumunod ang Pilipinas sa naging hakbang ng US FDA na maiturok ang isang partikular na bakuna sa mga may edad 12 hanggang 15.
Dagdag pa niya, nang ikasa ng US ang kanilang vaccine rollout, sinakop na ang nasa edad 16 hanggang 85.
Samantalang ang Singapore, ipinatuturok na rin ang isang brand ng vaccine sa mga may edad 12-15.
“A safe coronavirus vaccine for children will be a game-changer for the country, for the economy, for the youth, and for families,” sabi pa ni Angara.