Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, sa ngayon kasi, hindi pa naman mabigat ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.
Kaya aniya pinapayagan ng MMDA na makabiyahe ang mga sasakyan para mabuhay ang ekonomiya.
Naapektuhan ang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya sa COVID-19.
Pinaiiral lang naman aniya ang number coding scheme kung mabigat ang trapiko pero sa ngayon, okay pa naman ang sitwasyon.
Pero kapag aniya lumalala ang trapiko, agad din namang ibabalik ng MMDA ang number coding scheme.
Sa ngayon aniya, may pinaiiral na truck ban ang MMDA sa Metro Manila.
Sa panig ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi nito na wala namang problema ang daloy ng trapiko sa EDSA mula nang buksan ang mga connector gaya ng Skyway at iba pang bagong kalsada.