Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 3.43 milyon na

AFP photo

Lagpas 3.43 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 3,431,786 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 601,949.

Sumunod na rito ang Brazil na may 441,864 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 287,156 naman ang death toll sa India habang 220,850 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,694
– Italy – 124,646
– Russia – 116,965
– France – 108,181
– Germany – 87,405
– Colombia – 82,743
– Spain – 79,568
– Iran – 77,765
– Poland – 72,265
– Argentina – 72,250

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 165,568,854 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 145,815,707 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...