Anti-mining promise ni Pangulong Duterte, isa na namang joke! – enviromental groups

CHONA YU PHOTO

Sumugod sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources ang mga miyembro ng militanteng grupo na Pamalakaya, Agham at Center for Environmental Concerns Philippines.

Hiniling ang pagbasura sa Executive Order 130 o ang pagbawi ni Pangulong Duterte sa mining ban.

Ayon kay Feny Cosico, secretary-general ng Agham, isang malaking kalokohan lang pala ang paninindigan noon ni Pangulong Duterte na tutol siya sa mga pagmimina.

Diin niya, nagoyo na naman aniya ang taumbayan sa isa na namang pangako ng Pangulo.

Ikinababahala ng grupo na tuluyang masira ang kalikasan dahil sa pagbubukas muli ng pagmimina sa bansa.

Tinutulan din ng grupo ang pagbubukas ng OceanaGold Financial and Technical Assistance Agreement.

Ikinadidismaya nila na inuna pa ng Pangulo ang pagmimina kumpara sa pagresponde sa kasalukuyang pandemya.

Diin din nila, kalokohan na gagamitin ang balik-operasyon ng mga minahan para sa economic recovery program ng gobyerno.

 

 

Read more...