Opposition senators, Sen. Binay pinababawi sa Malakanyang ang EO 135

Nanawagan ang limang senador sa Malakanyang na bawiin ang kautusan na nagbababa sa taripa sa bigas sa 35 porsiyento mula sa 40 at 50 porsiyento.

 

Giit ng nina Sens. Nancy Binay, Leila de Lima, Frank Drilon, Franci Pangilinan at Risa Hontiveros sa isusulong na Senate Resolution 726, walang sapat na dahilan at basehan  para ibaba ang taripa sa bigas.

 

Anila lalo lang nitong pahihirapan ang mga lokal na magsasaka at aasa na lamang sa pag-aangkat ng bigas.

 

Pinagbasehan ng resolusyon ang pagkuwestiyon na rin ng Federation of Free Farmers sa hakbang ng Malakanyang dahil anila sinabi na mismo ni Agriculture Sec. William Dar na may sapat na suplay ng bigas sa bansa dahil naging maganda ang ani noong nakaraang taon.

 

Diin pa ng mga senador, mawawalan ng kita ang gobyerno dahil sa EO 135 at anila ayon sa Tariff Commission ang mababawas na kita ay maaring umabot ng P60 milyon kada taon.

 

Bababa rin ang Rice Competitiveness Enhance Fund (RCEF) kapag bumaba ang singil na buwis sa mga inaangkat na bigas.

Read more...