Ito ang legal opinion ni Justice Secretary Emmanuel Caparas bilang tugon sa paghingi ng abiso ng Philippine Commission on Good Government o PCGG ukol sa isyu makaraang atasan ng Ombudsman ang general amanger ng isa sa mga kumpanyang nasa ilalim ng IRC Group of Companies na maghain ng SALN.
Ang IRC Group ay mga kumpanyang isinuko sa gobyerno ng yumaong si Jose Y.Campos na umamin na isa siyang Marcos crony.
Sa legal opinion ni Caparas, sinabi nito na ang mga korporasyon na bahagi ng IRC ay hindi maituturing na government owned and controlled corporation kaya’t hindi maituturing na mga public officials o empleyado ang mga kawani nito.
Dahil dito, hindi aniya naga-apply ang requirement na pagsumitehin ng SALN ang mga opisyal ng mga naturang kumpanya.
Ipinaliwanag pa ng kalihim na dati nang tinukoy ng PCGG na ‘real estate and investment’ ang negosyo ng mga IRC companies at hindi sangkot sa pagbibigay ng serbisyo-publiko.