Mika Maxine Medina, itinanghal na Bb. Pilipinas Universe

 

Si Maria Mika Maxine Medina, ang itinanghal na Binibining Pilipinas- Universe 2016 sa katatapos lamang na pageant para sa taong ito na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Mismong si Miss Universe Pia WUrtzbach ang nagpatong ng korona sa ulo ni Medina sa katatapos lamang na event.

Si Medina na isang interior designer ang nanguna sa 39 na mga kandidatang lumahok sa Binibining Pilipinas para sa taong ito.

Itinanghal din siya bilang Bb PIlipinas Philipine Airlines.

Samantala, narito pa ang mga nanalo sa Binibining Pilipinas 2016:

Bb. Pilipinas International- Kylie Verzosa

Bb. Pilipinas Supranational – Joanna Eden

Bb. Pilipinas Intercontinental – Jennifer Hammond

Bb. Pilipinas Globe – Nichole Manalo

Bb. Pilipinas Grand International – Nicole Cordoves

Runner-up naman sina:

1st runner-up – Angelica Alita

2nd runner-up – Jehza Mae Huelar

Ang mga nanalo ang magsisilbing kinatawan ng Pilipinas sa anim na international beauty competition na gaganapain para sa taong ito.

 

Read more...