Pinagpapaliwanag ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis ang mga diplomatic outpost ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa kung bakit mababa ang bilang ng mga overseas absentee voters ngayong taong ito.
Ayon kay Seguis, nasa mahigit 66,000 na libo pa lamang ang overseas voters na bumoboto sa kasalukuyan o mas mababa ng sampung porsiyento simula nang mag-umpisa ang botohan.
Partikular na hihingan nila ng paliwanag ang mga embahada sa America at Europe.
Sa Europe aniya, nasa 161, 718 ang registered voters ngunit nasa 25,008 na botante pa lamang ang bumoto.
Aniya, sa embahada ng Pilipinas sa Chile at Mexico, ‘zero’ o wala pa ring overseas absentee voter ang bumuboto.
Sa kasalukuyan, tanging ang konsulada sa Singapore lamang aniya ang may pinakamataas na voter turnout na may 9,149 na balotang tinanggap.
Sinundan ito ng Hong Kong na may 7,833 na naghain ng kanilang balota.