Sagbayan, Bohol niyanig ng lindol

(UPDATED) Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Bohol, Miyerkules ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 5 kilometers Southeast ng Sagbayan dakong 5:07 ng hapon.

May lalim itong 6 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang intensity sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV – Sagbayan, Clarin and Danao, Bohol
Intensity III – Buenavista, Carmen and Inabanga, Bohol
Intensity II – Cebu City

Instrumental Intensity:
Intensity II – Talibon, Boho

Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa nasabing lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...