Bilang ng nabakunahan ng Pfizer COVID-19 vaccine, nasa 30,115 na

Umabot na sa 30,115 katao ang nabakunahan kontra COVID-19 gamit ang Pfizer.

Ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje, nagsimula ang pagbabakuna gamit ang Pfizer noong nakaraang linggo.

Aabot sa 193,000 doses ng Pfizer ang nakuha ng Pilipinas.

Nangangahulugan ito na 90,000 katao na mababakunahan.

Target aniya ng pamahalaan na matapos ang pagbabakuna gamit ang Pfizer sa katapusan ng Hunyo.

“We have a total 193,000 doses of Pfizer, divided by two iyan kasi nagsigurado na tayo ng second dose, so it’s about 90,000. To date, mayroon na tayong nabakunahang 30,115 na eligible population. And the vaccination sites started last weekend. They target to finish by next week or first week of June,” pahayag ni Cabotaje.

Nagpapsalamat naman si Cabotaje na maayos ang rollout ng Pfizer vaccine.

Wala aniya sa mga naturukan ang nakaranas ng adverse effects.

Read more...