Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (May 19), pumalo na sa 1,159,071 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 49,951 o 4.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,700 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
92.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 1.36 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 136 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 19,507 o 1.68 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,986 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,089,613 o 94.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.