3.29-M katao sa bansa, nabakunahan na vs COVID-19

Umabot na sa 3.299 milyon katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa bansa.

Ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje, sa naturang bilang, 2.512 milyon ang nakatanggap ng first dose.

Ayon kay Cabotaje, nasa 1.2 milyon o 78 percent ng health workers sa Pilipinas ang naturukan na ng bakuna.

Aabot naman sa 714,000 na senior citizenz ang nabakunahan na habang nasa 548,000 na may comorbidities ang naturukan ng bakuna.

Magandang balita aniya ito na marami na ang nabakunahan.

“So magandang balita ito, nakaka-average na tayo noong dumating iyong maraming bakuna ng 7-day average of about 108,540,” pahayag ni Cabotaje.

Read more...