Mayor Moreno, tiniyak na may nakalaang bakuna sa mga naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine

Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na may nakalaang bakuna para sa mga naturukan na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Mayor Isko, hindi dapat mag-alala ang mga naturukan na ng unang dose dahil may naitabi ng bakuna para sa kanilang second dose.

β€œIt’s a matter of policy in the City of Manila to reserve half of its total number of doses to guarantee that second dose vaccinatin will be done without any delay,” pahayag ni Mayor Isko.

Sa pinakahuling talaan, aabot sa 60,801 na ang fully vaccinated sa Maynila.

Kabilang sa mga bakuna na nakuha ng Maynila ang Sinovac, AstraZeneca, at Pfizer.

Read more...