Manila LGU, bumili ng dagdag na 500 Tocilizumab vials para sa COVID-19 patients

Manila PIO

Dumating na sa Maynila ang biniling karagdagang 500 vials ng Tocilizumab para sa mga pasyente na apektado ng COVID-19.

Nag-inspeksyon si Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa dumating na vials, araw ng Martes (May 18).

Sinabi ng alkalde na ibibigay ang Tocilizumab vials sa mga pasyente na naka-admit sa mga pampubliko at pribadong ospital sa lungsod, residente man o hindi.

“Ito po ay io-offer din natin sa public and private hospitals for free bukod sa six district hospitals ng lungsod at Manila Health Department,” ani Moreno.

“Sa maliit nating kaparaanan, mas makatutulong po tayo sa nakararami nating kababayan. The COVID-19 pandemic is a universal problem. It has to be approached inclusively,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Manila City General Services Officer Thelma Perez, binili ang dagdag na vials ng lokal na pamahalaan para mapalakas ang responde laban sa pandemya.

Naglaan aniya ang lokal na pamahalaan ng P13 milyon para sa pagbili ng nasabing vials.

Read more...